Wednesday, December 25, 2013

WALANG MISA DE GALLO?

Maaga akong naghanda at nag-ayos kinabukasan.  Hapon pa lang ‘ata ay nakagayak na ako. Hindi sa excited ako sa pagdating ni Nate, kundi dahil hindi naman niya sinabi ang oras ng kanyang pagdating.
Sa labas na lang ako ng bahay nag-antay sa kanya, ayoko na kasing makita siya ng Parents ko, hindi pa ‘ata ako handa sabihin sa kanila ang tungkol kay ni Nate. Natatakot talaga akong pagalitan nila ako. Hindi naman sa bawal pero tiyak na sasabihin nilang bata pa kami.
Isang oras na mahigit ang nakalipas ngunit di pa din dumarating si Nate. Panay na din ang tingin ko sa Cellphone ko pero kahit isang text ay wala pa din akong natatanggap. Naiinip na ako, kung di niya lang sinabi na antayin ko siya, malamang ay kanina pa din akong nasa simbahan. Nakakapanibago, ako naman ngayon ang nag-aantay sa kanya ngunit mag-gagabi na, wala pa din si Nate. Kaya nang muling lumipas ang trenta minutos, nagpasya na akong umalis.
Pasakay na sana ako ng dyip nang mag-ring ang cellphone ko. Si Nate, tumatawag sakin.
“Hello, Nate, A-“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Nate.
“Sam! Sorry din a kita masusundo, andito na ako sa simbahan; may nangyari kasi eh…basta, dito ko na lang iku-kwento,”
Para akong biglang nainis sa narinig ko. Parang gusto ko siyang awayin. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung pinaghihintay ako sa wala. Pero naisip ko din, wag na lang siya patulan, simbahan pa naman ang pupuntahan ko. “ah ganun ba, sige…” nasabi ko na lang.
“Punta ka na dito antayin kita ha, may bibigay din ako sa’yo,” narinig kong sabi niya at agad na binaba ang tawag.

                Sa malayo pa lang tanaw ko na agad si Nate. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko na parang natuwa ak nung nakita ko siya. Napansin ko din agad ang bagay na hawak-hawak niya, isang bouquet ng rosas. Para sakin ba yun? Natanong ko tuloy bigla sa sarili. Ang assuming ko naman, pero di ko na din ikakaila na kinabahan na naman ako sa naisip ko.
Pero nawala agad ang tuwa at kabang nararamdaman ko nang makita kong may kausap si Nate,  isang babae… Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko, mukha kasing ang saya-saya at sarap ng kwentuhan nila. Papalapit na ako sa kanila nang matigilan ako bigla sa narinig  kong sinabi ni Nate. “Honey oh,” sabay inabot niya sa babaeng kausap ang bulaklak na hawak niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nagtatakbo paalis ng simbahan. Naramdaman ko din ang pangigilid ng luha ko sa gilid ng mata, naiiyak ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Parang ang sakit-sakit ng nakita ko. At kahit gaano kalakas ang pagtawag ni Nate sakin, hindi ko magawang huminto at lumingon. Hanggang sa makarating ako sa sakayan ng dyip, alam kong hinabol ako ni Nate, Rinig ko pa din ang pagtawag niya sa pangalan ko habang papa-alis ang dyip na sinasakyan ko.

                “Sam…ok k lng b?” text sakin ni Nate. Nasa bahay na ako nun. Nakakulong at nagmumokmok sa kwarto ko. Hindi na ako nagsimba.
“ok lang aq,” reply ko.
“Sure k? D n dn aq ngcmba, wla k kc eh…” text niya ulet.
Hindi agad ako nagreply, may kasunod kasi agad ang text niyang yon.
“Anyare sau? Bkt kb umalis? Tntwg kita d mo aq pnpncn, galit kb sakin?”
“Hindi aq galit…bat aq mgglit?”
 “Eh bkt nga? Bat mo aq iniwan dun?”
 “wala…ayoq lng mkais2rbo s inyo ng HONEY mo.” Parang naiinis kong reply sa kanya.
“HONEY ko?! Cnung honey?”
Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakaramdam ako ng pagka-inis. Nagpapatay-malisya pa siya eh sigurado naman akong alam niya kung anong ibig kong sabihin.
Hindi na ako nagreply sa kanya. Ayoko na siyang kausapin at baka tuluyan lang kaming mag-away. Hindi ko pa din kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Kahit ako, nagtataka kung bakit ganun na lang ang reaksyon ko sa nakita ko.
After 15 minutes, Nagulat na lang ako nang tumunog ulet ang phone ko, tumatawag sakin si Nate. Sinagot ko naman.
“Sam…ba’t di ka na nagrereply? Galit ka ba?” nag-aalalang tanong niya agad nung sagutin ko ang tawag.
“hindi!” mapait kong sagot sa kaniya.
“Eh bakit ka ba nagkakaganyan? Para kang galit? Kapag di ka umayos dyan, iisipin kong nagseselos ka kay Honey,” natatawang sabi niya sakin. Parang nagpanting ang tainga ko sa narinig ko.
“At bakit naman ako magseselos?! Assumerong to,”
Narinig kong tumawa siya. “oh di ba nagdideny ka na, totoo nga siguro,” buska ni Nate.  “hay naku Sam, wala ka naman dapat ipagselos eh, di ko yun girlfriend... cousin ko yun,”   
“Cousin daw…o baka naman…Cousin-tahan,” huli na nung marealize ko ang sinabi ko sa kanya. Nagulat din ako at napaisip kung bakit yun ang nasabi ko.
“o kitam, nagseselos ka nga,” narinig kong sinabi ni Nate sabay tumawa pa siya.
Hindi na ako nakapagsalita pa sa sobrang hiya ko. Naririnig ko pa din ang nakakalokong tawa ni Nate. Parang tuwang-tuwa pa siya sa sinabi ko. Anu bang nakakatuwa dun?
Dahil na din siguro sa hiya at sa inis ko sa pang-aasar niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko, ibinaba ang tawag at hindi ko na siya kinausap pa.
Hindi na ako sinagot ang mga text at tawag niya.

Halos mapuno ng mga flood messages ni Nate ang inbox ko, nalowbat na din ang phone ko sa kakatawag niya pero mi isa sa mga iyon ay hindi ko sinagot. Wala talaga akong planong kausapin siya. Hindi dahil sa naiinis pa din ako sa kanya kundi dahil nahihiya ako. Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya kung bakit ganoon na lang tinuran ko.  Sa totoo lang, kahit ako’y nagtataka din. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko, pati ang nararamdaman ko, hindi ko pa din maintindihan; naguguluhan ako.
Posible nga kaya nagseselos ako? Naisip din ako. Pero bakit? Di naman siya gusto. Di nga kaya? O baka yun lang ang akala ko?
                Wala na akong narecxeive na text at tawag ni Nate kinabukasan. Napagod na siguro…o baka naubusan na ng load…o baka…nainis na din siya sakin dahil sa kaartehan ko, ayaw niya na din siguro ako kausapin, nagalit na din siguro siya sakin.
Para akong natauhan sa naisip kong iyon. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Paano kung totoong galit na sakin si Nate? Paano kung pagkatapos ng bakasyon, di na naman niya ako kausapin o pansinin? Sayang naman yung nasimulan naming  pagkakaibigan. Bigla tuloy akong nainis sa sarili ko. Bakit ba kasi pinairal ko pa ang kaartehan ko eh, ito tuloy ang nangyari.
Isang malalim na buntong – hininga na lang ang pinawalan ko nang silipin ko ang cellphone ko. Wala pa rin kahit isang text o missed call si Nate…


TO BE CONTINUE…




No comments:

Post a Comment