Ngayon na ang huling gabi ng Misa de Gallo. Ito na din marahil ang huling gabi na makikita at makakausap ko si pa Nate at yun ay kung magsisimba pa siya… Natigilan ako bigla sa naisip ko, wag naman sana… Bigla na namang nagbago ang timpla ko. Nagpahinto tuloy ako sa paglalakad., parang ayoko na ‘atang magsimba.
Pero huli na din ang lahat,
halos hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa simbahan.
Sa dating pwesto namin ni Nate
ako naupo. Tahimik akong naghintay sa kanya. Nakakapanibago, ako na talaga
ngayon ang nag-aantay at naghahanap sa kanya, mga bagay na dati, si Nate ang
madalas na gumagawa. Naka-ilang ulet din akong tumingin sa cellphone ko para
silipin kung nag-text na siya pero wala pa din. Halos mabali na din ang leeg ko
sa kakalingon at kahahanap sa kanya pero mi anino niya ay hindi ko makita. Pakiramdam
ko pa ang damot-damot ko na dahil ilang beses nang may nagtangkang umupo sa
tabi ko pero patuloy ang tanggi at sinasabing may kasama ako kahit wala naman
talaga at di din ako sigurado kung darating ang taong hinihintay ko. Malapit na
kasing magsimula ang misa kaya dumarami na ang mga tao at nagkakaubusan na ng
upuan sa simbahan.
Maya-maya pa ay naramdaman ko
na ang dalawang matang nakamasid sakin. Ewan ko kung bakit pero bigla na lang
akong napalingon at nakita ko ang isang babae na nakatingin sakin. Pamilyar ang
mukha niya sakin, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Ngumiti
siya sakin saka lumakad patungo sa direksyon ko. Nang nasa harapan ko siya saka
ko lang naalala kung sino siya.
“Hi!” nakangiti niyang bati
sakin. “It’s Sam, right?” napatango na lang ako at pinanuod ang pag-upo niya sa
tabi ko. Hindi na ako naka-kontra dahil nagulat ako sa paglapit niya.
“hinahanap mo ba siya?”
narinig kong tanong niya.
“Ha?” maang-maangan kong
tanong.
“Si Nate…hinihintay siya no?” narinig kong sabi niya.
Parang biglang bumilis ang
tibok ng puso ko nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ni Nate. Tama
nga ako, siya nga yun.
“H-hindi ah!” tanggi ko sabay
iwas ng tingin sa kanya.
Nakita kong ngumisi siya. “wag
mo na i-deny, kanina pa kaya kita pinapanuod, may hinahanap ka, alam ko, si
Nate yun,” sabi niya sakin. Hindi na ako nakakibo. Pero ikinagulat ko talaga
ang sunod niyang sinabi sakin.
“Sorry nga pala kagabi ha,”
Nagtataka akong napatingin sa kanya. Bakit kaya siya nagso-sorry sakin. “Sabi
sakin ni Nate nagalit ka daw nung nakita mo kami,” dagdag pa niya.
“Ha?!” para akong nakaramdam
ng hiya. “Ah..eh..di mo naman kailangan mag-sorry sakin…ako pa nga ‘ata yung
nakaistorbo sa inyo ng Boy-“
“Boyfriend? Si Nate? Oh no!
Sam, you’re getting it wrong, Hindi ko boyfriend si Nate,” natatawang putol
niya sa sinasabi ko.
“Hindi?” takang tanong ko.
Umiling naman siya “hindi talaga,”
“Pero…HONEY… yun ang tawag
niya sa’yo di ba?”
“Oh wait, haven’t I introduce
myself yet?” tanong niya. Ako naman ngayon ang umiling. “I’m sorry where are my
manners, my name is HANILYNE, ‘hani’ for short, as in H-A-N-I, hindi yung honey
na iniisip mo,” napangisi siya. “I’m Nate’s cousin, school mates din tayo, 4th
year na din ako,”
Natigilan ako sa narinig ko.
Naramdam ko na ang pag-iinit ng mukha ko. Agad akong umiwas ng tingin sabay
nahihiyang napayuko. Parang gusto kong manigas sa kinatatayuan ko o kaya bigla
na lang sana akong kainin ng lupa ng buo. Hindi ko na ‘ata kayang tumingin pa
ng diretso sa kanya. Nakakahiya kasi eh, ano ba yung mga iniisip ko?
Napakamalisyosa ko naman.
“It’s ok, marami nga
nagkakamali dyan sa pangalan ko, or sa closeness namin ni Nate, sobrang sweet
daw namin, para daw kaming mag-jowa. Pero kasi, si Nate ang pinaka-close ko sa
lahat ng pinsan ko, para ko na siya bestfriend kaya ganun. Nate told me, na di
ka nga rin naniwala sa kanya nang sabihin niya sa’yo na pinsan niya ko, that’s
why I’m here to clarify na yung mga nakita at narinig mo kagabi ay taliwas sa
mga iniisip mo,” Paliwanag niya.
Hindi na ako nakakibo. Hindi
ko na naman kung ano ang sasabihin sa kanya.
“Ang lungkot kaya niya kagabi
nung umalis ka at di mo siya pinansin,” kwento niya. “Di na nga yun nagsimba
eh! Wala na daw siya sa mood, ewan ko lang ngayon kung darating siya, di ko pa
kasi siya nakikita mula kaninang umaga, Baka na-traffic na naman sa byahe o
baka na-stranded na sa Bus Station, alam mo naman, dami nang umuuwi ng
probinsya ngayon,”
“na-stranded na sa Bus
Station? Bus ang sinasakyan niya?”
kunot-noo kong tanong sa kanya.
“Oo…Bus…wala naman ‘atang dyip
na direstsong bumabyahe dito sa’tin mula Quezon City, meron ba?”
“Quezon City?! Dun pa siya nanggagaling?!” Nagulat ako.
“Quezon City?! Dun pa siya nanggagaling?!” Nagulat ako.
“Hindi mo ba alam?” tanong
niya. “Hindi dito sa’tin sa Sta.Rosa (Laguna) nakatira si Nate, sa Quezon City
at uwian pa yun,”
“umuuwi pa siya dun araw-araw?
Ang layo naman,” Ngayon alam ko na kung bakit gabi na nakakauwi si Nate sa
bahay nila. At kung bait minsan sobrang gabi na kung magtext si Nate sakin. “Tapos
dito siya nag-aaral? Grabe naman, buwis buhay ah,”
“sinabi mo pa! Pero,
infairness, Ang effort ng pinsan ko di
ba? kaya ‘wag ka na magalit sa kanya ha, Please?”
“Eh hindi naman ako galit sa
kanya eh!”
“Talaga?! Eh bakit naka-text
ko siya kagabi, di ka daw nagrereply sa kanya, pati mga tawag niya di mo
sinasagot, naku! Di kaya napuyat nay un, kakahintay sa text mo o sa kakaisip
kung galit ka bas a kanya o hindi,”
Para naman akong na-guilty sa
sinabi niya. Kanina ko pa nga talaga gusto i-text si Nate para sabihin na di
naman ako galit kaya lang kinakain talaga ako ng pride at hiya ko.
“Alam mo Sam, may sasabihin
ako sa’yo, pero satin dalawa lang to ha? ‘wag mo sabihinn kay Nate na sinabi ko
sa’yo, magagalit sakin yun,”
“Ano yun?”
“Sa totoo lang, matagal ka na
talagang gusto ni Nate….” Heto na naman ang bilis ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang sinabi
niya. “simula pa nung una ka niyang makita dito sa simbahan,”
“Ha? Dito sa simbahan? Paano?”
Nakakagulat na naman yung sinabi niya.
“Nung May…di ba nagsagala ka?”
Naalala ko nga yun, kasali ako
sa mga nagsagala; sapilitan lang yun, sa kagustuhan lang ng Nanay ko at dahil
kilala niya ang organizer, Ako yung kinuha na Reyna Emperatriz. Sobrang badtrip
pa akon nun dahil yung pinsan ko na dapat Escort ko ng gabing iyon, bigla ba
namang nagkasakit. Pero nagkaroon din ako ng escort, may nag-proxy kasi eh.
Hindi ko na nga matandaan yung itsura niya o yung pangalan niya. Di ko naman
kasi kilala, daya lang daw kasi, palibasa gwapo daw kaya kinuha nung organizer
para magproxy. At dahil din sa kabadtripan ko di ko man lang siya kinausap o
tiningnan man lang.
“Ah..oo…bakit?” sagot ko.
“malamang di mo na natatandaan, alam mo ba na
yung escort mo nun ay si Nate?”
“Ha?! Si nate?”
“o kita mo na, di mo alam,”
napangiti siya. “Alam mo, Gustong-gusto na niya talaga tanungin ang pangalan mo
nun, kaya lang, mukha ka daw masunget, at saka nahihiya daw siya, tas nung
sinabi ko na magka-school mate tayo, nagulat na lang ako nang bigla siya
magpatransfer dito,”
“pumayag agad ang parents
niya?”
Tumango siya. “Bunso kasi si
Nate at nag-iisang lalaki pa kaya agad na nasusunod ang luho,” paliwanag niya.
“Tuwang-tuwa kaya yun nung nalaman niya na magka-klase kayo panay-panay ang
kantiyaw ko sa kanya nun,” Natatawa pa siya habang nagkukwento. “kaya lang
dahil sa likas na mahiyan at TORPE ang dakila kong pinsan di niya pa din
nagawang makipag-kaibigan sa’yo…mi ang kausapin ka di ‘ata nun magawa eh!”
“oo nga…super suplado kaya ng
pinsan mo, di ako pinapansin nun,” sang-ayon ko naman. “ang akala ko pa nga
nung una, di niya alam ang pangalan ko,”
“Akala mo lang, stalker kaya
ang peg nun, kung alam mo lang, akala kaya namin, nagbago na yun, bigla kasing
naging religious eh! Naging pala-simba na tuwing lingo, ayun pala sumusulyap
lang pala sa’yo…nalaman kasi niya mula sa mga classmates nyo na nagsisimba ka
din dito tuwing linggo, tama ba?”
“Ha? Pati yun alam niya?”
“Oo…pati kung anong oras ka
nagsisimba,” nakangiti pa din niyang sabi. “Pati nga itong simbang gabi,
kinarir eh! kahit alam niyang gagabihin siya sa pag-uwi at hassle na ang biyahe dahil sa Christmas break eh nagpupunta
pa din siya dito, enjoy na enjoy pa ang loko, kaya naman pala IKAW ang kasama
niya magsimba at CLOSE na pala kayo sa wakas,”
Hindi na ako alam kung ano pa
ang sasabihin ko, nagugulat ako sa mga pinagsasabi niya. Halos hindi ako
makapaniwala eh! Ang galing naman magtago ni Nate.
“Kahapon ‘ata dapat susunduin
ka niya di ba? Sorry ulet ha, kasalanan ko yun eh, nagpasama kasi ako sa kanya
na mag-christmas shopping sa Manila, na-traffic tuloy kami,” sabi niya at
nag-sorry ulet. “Ako ang nagsabi sa kanya na bigyan ka ng flowers bilang
peace-offering, alam kasi niya na magagalit ka eh,”
“Kung ganun yung bouquet na
bingay niya sa’yo kahapon ay para-“
“Sayo talaga,” pinutol na
naman niya ang sasabihin ko. “Hindi niya yun binigay sakin, pinahawak niya lang,”
At ngumiti ulet siya sakin.
May sasabihin pa sana ako pero
natigil na ang pag-uusap namin nang marinig naming ang Bell na hudyat ng
pagsisimula ng misa.
“Paano Sam, maiwan na muna
kita, may mga kasama kasi ako, kailangan ko na ‘atang bumalik,” at nagpaalam na
siya sakin. Tumango na lang ako. Pero bago pa man siya tuluyang makalakad
palayo sakin ay nilingon niya ulet ako. “Don’t worry Sam, darating din yun si
Nate, antayin mo lang,” nakangiting niyang pahabol sakin. Napangiti na lang din
ako sa kanya.
To be continue...
No comments:
Post a Comment