Wednesday, April 3, 2013

Faded Memories

Heto ako ngayon pinipilit balikan ang lahat.  Kailan nga ba ito nagsimula at paano nga ba nagsimula ang lahat ng kalokohang ito?
Sa pagbabalik tanaw ko, hindi ko na alam kung magagalit o magpapasalamat ako sa taong may pasimuno ng tuksuhan na iyon.
Ang may pakana kung bakit bigla ko na lang in-entertain ang damdaming dati'y aking iniiwasan, dati'y halos wala akong pakialam.

OO nga, dahil sa isang tuksuhan kaya biglang nagulo ang tahimik kong mundo. Parang dahil 'ata doon kaya biglang nabuhay at nagkaroon ng kulay ang damdamin ko para sa'yo.
Hindi ba halos hindi kita pansinin noon? Mi hindi nga tayo nag-uusap eh. Wala akong pakialam sa'yo. Palibasa noong mga oras na 'yon, si Enchong Dee lang ang pinapantasya ko.
Pero biglang nagbago ang lahat, sa isang iglap lang, nakalimutan ko na si Enchong at ikaw na lang ang tanging nakikita ko.


Aminado naman ako, nung unang tapak ko sa OpinYon ay ikaw na agad ang nakita ko, ikaw ba naman ang magbukas ng gate para sakin eh! haha
Ikaw agad ang napansin ko kaya siguro ikaw ang unang naging crush ko sa di ko malamang dahilan.


But all I know is that I really find you CUTE (di ka mukhang aso ha) and nice. Pero I notice din na mukha kang masungit at mukhang suplado. Lagi ka kasing serious eh! Plus, kapag kinakausap kita, binabara mo ako, Naiinis tuloy ako. 


I would never forget that day, nung sinabihan mo akong masunget ako. Ikaw 'ata ang unang lalaking narinig ko na nagsabi sakin ng harapan na masunget ako. Tumatak na tuloy yun sakin, kaya somehow I try to be nice to you, pero todo ka pa din sa pambabara kaya ayaw na kitang kausapin eh.


Araw ng anniversary ng OpinYon, 
August 22, 2011, the day that started it all.
I can't still imagine how our friendship grew. Di ko na nga maalala kung paano eh.
Dahil ba yun sa unang holiday na may pasok ako? yung 6 hours and 30 minutes kitang nakasama? Bilang na bilang ko no? yun kasi yung pinaka unang beses na nakipagkwentuhan ako sa'yo. Ng ikaw lang talaga ang kausap ko.
O dahil dun s nagpadownload ka sakin ng mga kanta. Nung na-virus ko yung memory card mo tapos nawala lahat yung files mo. I can still remember how guilty I was.


Naalala ko din yung unang pag-uusap natin sa Facebook hanggang sa ibigay mo sakin yung number mo na di ko naman hinihingi. Pero natuwa ako kasi yun ata yung start ng closeness natin. kung close nga talaga tayo.
Yung mga text messages mo, naka-save lahat sa phone ko. Tanda ko pa din kahit yung mga non-sense conversation natin.
Nakasulat lahat sa mini planner ko lahat ng unforgettable moments ko with you. yung mga sinasabi mo sakin, yung paggala natin.
Praybeyt Benjamin, KFC, MCDO, Jollibee moments. 
Kantahan sa Timezone, yung pag aantay ko ng 3 hours pero worth it naman. Yung Fallen at wherever you will go na kanta?
Lahat lahat na...


Mga memories na parang di ko kayang makalimutan...

Parang lang pala...

Here I am now, all those memories suddenly fades away.


Nagbago na ang lahat.

Walang nang pansinan, parang di na magkakilala. 


Parang walang nangyari. Ganito pala yung feeling no? ang sakit din pala. 
Ilang ulet ko nang natanong kkung ano ba ang nangyari.
Pero kahit anong gawin ko, di ko na makikita pa ang mga sagot.

Tanggap ko na naman eh, ganito na lang kami.

Wala na siya...

And all was left to me was...

Those faded happy Memories...

No comments:

Post a Comment