Friday, April 26, 2013

A little LETTER

Dear Bro,

Kamusta?
I really hope that you're fine. I saw you kasi and you looked UPSET again. Kahit siguro ilang beses ka pa mag-deny. I KNOW.  Pero 'wag ka mag-alala di naman kita pipilitin kung ayaw mo umamin. you're not the kind of person who admits everything.
But, I wish you would tell me how you feel...just like before. Di mo man sabihin sakin ang buong kwento pero at least nagsi-share ka di ba? 

I miss those days. 

Those days kung saan sagana tayo sa BONDING. Yung mga kwentuhan natin na palaging nagsisimula sa asaran. Hanggang sa iba't ibang topic na ang mapag-uusapan natin.
Namimiss ko na ang mga kwento mo...

Hay,  kailan kaya mauulet yun?

Iba na kasi tayo ngayon, madami na ang nagbago.  Malayong-malayo na tayo sa dati.

Kasalanan ko naman eh. Sabi nga nila, It was only me, who made all the things complicated. Masyado kong ginawang BIG DEAL ang lahat.

Naisip ko tuloy, If I only been more understanding, maging ganito pa rin kaya tayo?

Hindi ko naman sinasadyang magalit eh. Hindi ko lang talaga matanggap yung ginawa mo. Hindi ko kasi inisip na kaya mong gawin yun sakin after all ng pinagsamahan natin. Tas ang turing ko pa sa'yo BESTFRIEND di ba?

Pasenya na bro, kahit ang tagal na nun, hanggang ngayon ramdam ko pa din yung sakit.
Hindi ko talaga siya kayang kalimutan eh!

Pero alam mo ba, kung alam ko lang talaga na magkakaganito tayo eh di sana kinalimutan ko na lang yung PRIDE ko. Sana di na lang kita inaway, hindi kita sinungetan, hindi ko na sinabi yung mga salitang sinabi ko sa'yo. Sana inintidi na lang kita....


I'M SORRY bro. :(

Alam mo ba na miss na miss na kita?
Kahit na halos araw-araw tayo nagkikita at nagkakasama, pakiramdam ko pa din na ang layo-layo na natin sa isa't isa.

Namimiss ko na yung mga bonding natin, paggala natin tuwing sunday, panunuod natin ng movie, pagpunta natin sa timezone, pagti-text natin sa isa't isa.

I still remember the first time I met you, how we became close, our first conversation, our first movie together, the first song you sing sa TIMEZONE. Kung saan tayo unang kumain, yung ayaw nating mall.
These dates:

OCTOBER 31, 2011

APRIL 1, 2012

JUNE 16, 2012

JUNE 28, 2012

JULY 6, 2012

'kaw ba tanda mo yun? Malamang hindi, hehe hindi mo din siguro alam yung mga date na yan.

Lahat ng memories mo, memories natin.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong kinalimutan. Naalala ko pa din ang lahat.
Sabi nga nila di ba? Things and people change but the memories will remain.

Now that our friendship is slowly fading, those memories are  all I've got.

Anu ba ang nangyari sa'tin? Hindi na ba natin mababalik yun dati? yan yung mga sagot na pinilit nating sagutin, nag-try din naman tayong ayusin to eh! Anyare????
.
Wala...kasi matigas ang ulo ko, wala akong ibang ginawa kundi ang awayin at sungetan ka. Sorry ulet bro, 'yun lang kasi ang alam kong lambing sa'yo. Kaya lang, mukhang nakalimutan mo na yun.

Ayan ka ngayon,   tuluyang nagbago... ang layo mo na sa'kin. Halos hindi mo na nga ako pinapansin. Parang tulad ko, kinalimutan mo na din ang lahat. Pakiramdam ko pa nga galit  ka sa'kin, ayaw  mo lang ipakita. Para bang nagsisisi ka at nakilala mo pa ako.


Sorry bro ha, sorry sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, sa lahat ng mga nagawa ko, sa pagtataray at pagsusunget ko.

'Wag ka mag-alala, hindi ko na hihilingin sa'yo na "sana bro, ibalik natin yung dati," I think it's already too late for that.
Tanggap ko na, hindi na natin maibabalik pa yung dati.

Nakakapagod din kasi eh! Napapagod din ako sa araw-araw nating pag-aaway. Nalulungkot lang ako sa tuwing naiisip ko na di naman tayo ganun dati.


What's gone is GONE.

Pero aminado ako na medyo nahihirapan ako, 2 years din yun ah, hindi madali isantabi yun.

Anyways, I want to thank you for everything.

Thank you sa effort at sa time na binigay mo sa'kin. I appreciate everything that you've done for me. Hindi lang siguro halata. Kasi hindi mo napansin di ba? hehe

I am blessed to have someone like you in my life. 'Coz you're the person who made me experienced a lot of things, di ko na ii-numerate ha, alam mo na yun. hehe

You'll always be my someone special.

I don't really want to lose you but I know I already did and it's my fault... :(

But don't worry, okay lang ako. I'll get by.


Bro, wag mo sana kalimutan na andito lang ako lagi para sa'yo. Handa pa din akong tulungan ka o kaya makinig sa'yo kapag kailangan mo ng kausap.

Pwede din akong shoulder to cry on kahit di ka umiiyak, kaya ko din sigurong pasayahin ka kapag malungkot  ka kahit di ko pa ata yun nagagawa.

Sasamahan din kita kung kailangan mo ng ka-inuman basta hatid mo ako kapag nalasing ako ha, hehe

Basta bro, ANDITO LANG AKO para sa'yo. Please always remember that.

Thank you for giving even a little time to read this, heto kasi yung mga bagay na di ko masabi sa'yo ng harapan.
Nahihiya na din kasi ako.


AGAIN,

THANK YOU and I'M SORRY BRO....


Love lots,

your BESTFRIEND

Wednesday, April 3, 2013

Inlove daw ako...

In love daw ako...

Daming nagsasabi sakin yan, di ko lam kung bakit. Nakakapagtaka talaga.

Paano kaya nila nasasabi yon?

Eh ako nga ni  hindi ko makita ang sarili ko na "IN LOVE". Parang ako lang ata ang hindi aware eh!

Aminado naman ako na may gusto akong tao. Pero, hanggang sa term na gusto lang yun, malayong malayo sa sinasabi nila.

Pero teka, hanggang dun nga lang ba talaga yun? O sadyang hindi nga lang talaga alam ang nararamdaman ko?

Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko minsan eh!

Basta alam ko, what I have for that someone is something I really couldn't explain.

It's been 7 years...seven years na ang nakalipas nung huling ko masabi sa sarili ko na: "ah...oo..inlove ako, mahal ko talaga siya".
Ang tagal na di ba?

So siguro yun ang dahilan kya  hindi ko masabi kung nai-inlove na naman ba ako o in love lang din ako sa ideya na gusto ko siya kaya nagiging exaggerated ang mga bagay-bagay.

Exaggerated. right that's the term.Nagi-exist yan kapag umaasa ang isang tao.

Bagay na, sa tingin ko malimit na mangyari sakin. hay...

Hindi ko talaga alam kung anu nga ba talaga ito, basta ang alam ko, iba ito!

It was something that I never experienced before. And This time, I konw, I am sure.

I really couldn't explain exactly how I feel but now I will try to put it into words.

Though words will never be enough to express what I feel.

I will try...just try...

I remember when I was still in college, AJ, a close friend of mine was telling me that I should have a boyfriend since I am old enough to have one.

She keep on saying it was the right time and that I should really need one in order for me to be happy.

Para rin daw mawala na ang pagka-NEGA ko.

But I keep on telling her, (it was not actually the exact words) "friend, ayoko nga magka-boyfriend, sakit lang sa ulo yun eh! at saka ayoko ng commitment, mahirap yun,"

Sabi ko pa, "siguro kapag nakilala ko na ang taong makakapagbago ng pananaw ko sa commitment, yung ako mismo sa sarili, masasabi ko na, 'ok lang, magcommit ako, basta siya,' yun na siguro friend,"

I only said that para matahimik siya. Since that time, ayoko talaga magka-boyfriend and ayoko ng relasyon.

Naka-mind set na nga sakin na di ako magbo-boyfriend lalo na ang mag asawa.

But I never thought that time would actually happen so soon.

After three years, I meet someone...

That actually making me change my mind. I'm not really sure but that how I feel.

He was the reason behind my smile and sometimes the why I cry at night.

I consider him as one of the most special person in my life.

When I'm with him, I'm happy. Super happy. yung tipong kahit bad mood ako or malungkot ako, basta andyan na siya, ok na ang lahat.

Most of the time, gusto ko siya ang makasama, maka-kwetuhan, makakulitan, maka-asaran.

Though, may ganyan moment naman talaga lagi, hindi nawawla.

Pero minsan parang kulang pa din. hehe

I do have many unforgettable memories with him and I am very thankful for that.

We always have alot of fun together, kuletan, asaran, kwentuhan...sa sobrang dami ng memories ko with him, minsan di ko na maalala yung iba.


It's been 2 years...

Sa pananahimik ko, ang dami na nangyari.

Halos nagbago na nga ang lahat. Ang mga ngiti ko ay napalitan na ng lungkot.

Naubusan na ako ng pasensiya at napuno na ng galit.


Yung mga happy memories, bigla na lang maglaho... 

Di ko na nga alam kung ano na nga ba nangyari.. lahat kasi bigla nalang nawala.. 

nawala nang parang bula.. 

Natauhan lang ata siguro ako. Masyadong natuwa. Parang joke lang ang lahat eh.. 

Kaya ngayon eto nagtataka alo, 

paano ba nila nasabi na "In love" ako.







Faded Memories

Heto ako ngayon pinipilit balikan ang lahat.  Kailan nga ba ito nagsimula at paano nga ba nagsimula ang lahat ng kalokohang ito?
Sa pagbabalik tanaw ko, hindi ko na alam kung magagalit o magpapasalamat ako sa taong may pasimuno ng tuksuhan na iyon.
Ang may pakana kung bakit bigla ko na lang in-entertain ang damdaming dati'y aking iniiwasan, dati'y halos wala akong pakialam.

OO nga, dahil sa isang tuksuhan kaya biglang nagulo ang tahimik kong mundo. Parang dahil 'ata doon kaya biglang nabuhay at nagkaroon ng kulay ang damdamin ko para sa'yo.
Hindi ba halos hindi kita pansinin noon? Mi hindi nga tayo nag-uusap eh. Wala akong pakialam sa'yo. Palibasa noong mga oras na 'yon, si Enchong Dee lang ang pinapantasya ko.
Pero biglang nagbago ang lahat, sa isang iglap lang, nakalimutan ko na si Enchong at ikaw na lang ang tanging nakikita ko.


Aminado naman ako, nung unang tapak ko sa OpinYon ay ikaw na agad ang nakita ko, ikaw ba naman ang magbukas ng gate para sakin eh! haha
Ikaw agad ang napansin ko kaya siguro ikaw ang unang naging crush ko sa di ko malamang dahilan.


But all I know is that I really find you CUTE (di ka mukhang aso ha) and nice. Pero I notice din na mukha kang masungit at mukhang suplado. Lagi ka kasing serious eh! Plus, kapag kinakausap kita, binabara mo ako, Naiinis tuloy ako. 


I would never forget that day, nung sinabihan mo akong masunget ako. Ikaw 'ata ang unang lalaking narinig ko na nagsabi sakin ng harapan na masunget ako. Tumatak na tuloy yun sakin, kaya somehow I try to be nice to you, pero todo ka pa din sa pambabara kaya ayaw na kitang kausapin eh.


Araw ng anniversary ng OpinYon, 
August 22, 2011, the day that started it all.
I can't still imagine how our friendship grew. Di ko na nga maalala kung paano eh.
Dahil ba yun sa unang holiday na may pasok ako? yung 6 hours and 30 minutes kitang nakasama? Bilang na bilang ko no? yun kasi yung pinaka unang beses na nakipagkwentuhan ako sa'yo. Ng ikaw lang talaga ang kausap ko.
O dahil dun s nagpadownload ka sakin ng mga kanta. Nung na-virus ko yung memory card mo tapos nawala lahat yung files mo. I can still remember how guilty I was.


Naalala ko din yung unang pag-uusap natin sa Facebook hanggang sa ibigay mo sakin yung number mo na di ko naman hinihingi. Pero natuwa ako kasi yun ata yung start ng closeness natin. kung close nga talaga tayo.
Yung mga text messages mo, naka-save lahat sa phone ko. Tanda ko pa din kahit yung mga non-sense conversation natin.
Nakasulat lahat sa mini planner ko lahat ng unforgettable moments ko with you. yung mga sinasabi mo sakin, yung paggala natin.
Praybeyt Benjamin, KFC, MCDO, Jollibee moments. 
Kantahan sa Timezone, yung pag aantay ko ng 3 hours pero worth it naman. Yung Fallen at wherever you will go na kanta?
Lahat lahat na...


Mga memories na parang di ko kayang makalimutan...

Parang lang pala...

Here I am now, all those memories suddenly fades away.


Nagbago na ang lahat.

Walang nang pansinan, parang di na magkakilala. 


Parang walang nangyari. Ganito pala yung feeling no? ang sakit din pala. 
Ilang ulet ko nang natanong kkung ano ba ang nangyari.
Pero kahit anong gawin ko, di ko na makikita pa ang mga sagot.

Tanggap ko na naman eh, ganito na lang kami.

Wala na siya...

And all was left to me was...

Those faded happy Memories...