Tuesday, June 29, 2010

Andito lang ako...

Natagpuan ko naman ang sarili na nakatingin sa kanya, pinapanood ang bawat kilos, pinagmamasdan ang bawat galaw. Kahit ilang silya lang ang layo ko sa kanya, pakiramdam ko'y ilang milya ang layo ko sa kanya. Magkaibigan naman kami. Araw-araw nagkikita. Araw- araw na magkasama. Palagi pa kaming magka-usap, magkatext at magkachat pa. Kahit malaya naming napag-uusapan ang lahat ng bagay; may isang bagay pa din akong hindi masabi sa kanya. At sa tingin ko, kahit kailan ay hinding-hindi ko na masasabi iyon. Ok naman ang lahat dati, simpleng kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, isang kapatid at katropa. Pero bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Heto na ako ngayon, tuliro at hindi mapakali sa kaka-isip sa kanya. Hindi ko man lang namalayan kung paano ito nagsimula, o kailan ko ito unang nadama. Gumising na lang ako isang umaga, hindi ko na siya kayang mawala sa buhay ko.Na iba na ang nararamdaman ko. Kayrami na pa lang nagbago. Natauhan ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Tapos na pala ang klase. Halos ako na nga lang ang naka-upo at ang iba ay umaalis na. "tara na, uwi na tayo," sabi niya sabay ngiti. Napangiti na lang din ako. Agad kaming umalis pagkatayo ko. Habang naglalakad kami pauwi na pansin ko na malungkot siya. magtatanong sana ako pero siya na itong kusang nagkwento tungkol sa taong lihim niya ding iniibig at ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Parang dinidurog ang puso ko. Parang gusto kong awayin ang taong iyon. Loko siya! paano niya nagagawang paluhain ang taong pinakamamahal ko?! hay...Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang malungkot. Gustohin ko mang pasayahin siya, alam ko naman na kahit kailan hindi ako ang taong makakapagpasaya sa kanya. Pero siyempre, bilang kaibigan niya, pinilit ko siyang aloin. Pinilit ko siyang pangitiin. At kahit sandali nga ay napasay ko siya. Atleast, ayun ang sabi niya "Thank you! kasi andyan ka..." Natuwa naman ako. Alam niya pala 'yon. Doon pa lang masaya na ako. Tanggap ko na naman eh! Iba ang gusto niya at hindi 'yon ako. Pero siyempre, sinasabi ko lang ito; kapag nakikita ko na siya na kasama niya ang mhal niya, Nasasaktan pa din ako. Patuloy sa pagdugo ang puso ko. Patuloy sa pagkirot. Kainis! bakit ba kasi sa dinami-dami ng taong pwede kong mahalin, bakit ikaw pa? Hay...kailan kaya ako magiging sa katotohanan. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito? Sana bukas, wala na...sana bumalik na lang sa dati ang lahat. Ang hirap pala talaga magmahal. Bakit ba naimbento pa yun? may mga taong sumasaya dahil sa pag-ibig. May mga tao naman lumuluha dahil dito. May mga taong nagbabago, sa postibo at negatibong paraan. May mga tao pang nababaliw ng dahil sa Pag-ibig. Ilan kaya ako sa mga iyon? Dati, hindi ako naniniwala sa love, para sa'kin, hindi applicable salitang iyon. Pero sa tuwing titingin ako sa kanya, kinakain ko lahat ng sinsabi ko. Heto na naman ako, nahuli ko na naman ang sarili kong nakatingin sa kanya. Hanggang ganito na lang kasi ako, patingin-timgin na lang. Desidido na akong itago na lang ang nararamdaman ko. Wala naman kasing dahilan pa para malaman niya. Para ano? guluhin ko ang tahimik niya mundo? wag na no! baka layuan niya lang ako. Sapat na ang ganito kami: MAGKAIBIGAN. Tama na sa'king mahalin ko siya kahit sa malayo...Atleast, alam ko na alam niya na Andito lang ako...

No comments:

Post a Comment