Saturday, February 5, 2011

ANG ILANG PANG ARAW NG MISA DE GALLO

             Kinabukasan, pagkagising ko, isang text message ulet ang na-receive ko kay Nate. Simpleng "Good morning" lang iyon ngunit iyon ang naging simula ng pagkukwentuhan namin tungkol sa buhay-buhay ng isa't isa. Halos maghapon na 'ata kaming magkatext. Bagay na talagang ikinatuwa ko. Maraming bagay kasi akong nalaman tungkol sa kanya. Mga bagay na hindi ko akalaing sasabihin niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ganoon na kami ka-close. Animo'y matagal nang magkaibigan kahit na ang totoo'y ilang araw pa lang talaga kami magkasama. At dahil din sa mga text messages na iyon, nalaman ko na hindi naman pala suplado at masungit  si Nate. Makulet at mabait din pala siya.
Pero nakakapaniibago talaga ang mga pangyayari. Parang nung nakaraang linggo lang halos hindi ako pansinin ni Nate ngunit ngayon, ilang gabi na kaming magkasama, sabay na nagsisimba at ngayon ay magkatext pa.
Lubos kong ikinatutuwa ang mga nangyayari ngunit naisip ko din, hindi kaya sa text lang mabait si Nate? Paano kung sa personal na? Ganoon pam din kaya siya?

Hindi ko na nakita si Nate sa labas ng simbahan. Marami na din kasing tao sa loob kaya alam kong mahihirapan kami ni Nate na hanapin ang isa't isa. Pero teka, totoo ba ito? Ako ang naghahanap sa kanya? Ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtanto ko yun.
Maya-maya ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bag. Inaasahan ko nang may magti-text.
"Hinahanap mo ba ako? :)" basa ko at may smiley face pa talaga ha.\
Dahil niloloko niya ako ay sinibukan ko din siyang lokohin.
"Hindi." sagot ko. Nag-text siya ulet. "Bakit ayaw mo na akong makita?"
"Ang ibig kong sabihin, Hindi...kasi wala ako sa simbahan, hindi ako magsisimba ngayon,"
"Talaga lang ha,:"
"Oo..."
"Eh sino kaya itong babaeng nakikita ko? naka-blue na Statement Shirt at naka-maong pants. Nakapony tail pa ang buhok,"
Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ko. Paano niya nalaman ang suot ko? pati na ang ayos ng buhok ko? Muli kong inilibot ang aking mata upang hanapin siya. Pero dahil sa dami ng tao ay nahirapan akong mahagilap ang kinaroroonan niya.
"oh kita mo na, hinahanap mo ako," muling text ni Nate.
"San ka ba?" naiinis kong text sa kanya.
"hahaha! dito sa dating pwesto," agad ko siyang pinuntahan pagka-reply niya sa akin.
Nangpapalapit na ako'y kitang-kita ko ang mga ngitii sa kanyang mukha. Animo'y tuwang-tuwa siya na makita ako.
For the first time, nag-usap kami, nagkulitan, nagtawanan, halos hindi na kami nakinig ng misa.
Kaya nung sinita kami nung katabi namin ay nagpasya na lang kaming lumabas ng simbahan. at doon nag-usap.
Marami kaming napag-usapan. Para ngang hindi na kami naubusan.
Hanggang sa maka-uwi ako ay kausap ko pa din siya sa text. Bago matulog, katext ko pa din siya.

Muli akong hinitay ni Nate sa labas ng sinabahan, sabay na din kaming nagdasal at nakinig ng misa. Nagkwentuhan kami ulet pagkatapos.
"Nagugutom ako!" bigla na lang sabi ni Nate nang palabas kami ng simbahan. Nahulaan ko na ang susunod niyang sasabihin. Kinabahan na naman ako.
"Kain tayo..?" aya niya. Sabi ko na nga ba! Bumili agad ang tibok ng puso ko.
"Siguro naman, di mo na ako tatanggihan ngayon?" dagdag pa niya.
Hindi ako sumagot. Mukha yatang nabasa ni Nate ang iniisip ko. Kaya muli siyang nagsalita.
"Sige na...kahit yung bibingka lang, samahan mo akong kumain paborito ko kasi iyon eh!" sabay hinatak niya papunta sa isa sa mga nagkalat na tindahan ng bibingka at putong bubong sa paligid ng simbahan.
Wala na tuloy akong nagawa nung nilibre niya ako. Isang  mahinang "Thank you" na lang ang sinabi ko.
Nang dahil sa hiya ay natahimik ako at nakinig na lang sa mga kwento ni Nate habang kumakain kami.
Hinatid niya din ako sa may sakayan pagkatapos.
Papasok na sana ako ng bahay ng mareceive ko ang text ni Nate.
May tinanong siya sa akin...
Ang tanong na nagpagulo sa tahimik kong mundo....





To be continue... :)

No comments:

Post a Comment