Tuesday, January 11, 2011

MISA DE GALLO



Patapos na ang unang araw ng simbang gabi nang mapansin ng aking mga mata ang masungit at napakasupladong classmate pero talented at matalino na si Nate. Hindi ko akalain na doon din pala siya nagsisimba. Paalis na ako nang makita ko siyang nakangiti at kumaway sa akin. Lalapitan pa niya dapat ako ngunit hindi na natuloy dahil nakalabas na ako ng simbahan.
           Nagulat na naman ako nang makita ko ulet si Nate. Kadarating pa lang niya sa simbahan noon at ayun, suot na naman niya ang seryosong mukhang habang nililobot ang paningin sa buong simbahan na tila may hinahanap.  Akala ko pa nung una’y hindi niya ako papansinin, sanay naman ako. Sa school nga’y hindi ko naririnig ang boses niya, Ni Hi or Ho ay wala akong natatanggap sa kanya doon pa kaya? Umarte akong kunwari ay hindi ko siya nakita; ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang muling mahagip ng aking mata si Nate na papalapit sa akin. Nakangiti pa siya habang naglalakad papunta sa aking kinaroronan.
“Hello classmate, paupo ha, tabi tayo,” narinig kong sabi niya at naupo nga siya sa tabi ko. Napatango na lang ako.
Nakakapanibago siya, palibasa’y ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Pero  hanga ako sa lakas ng loob niya, mi hindi nga niya alam ang pangalan ko. Pero  hinayaan ko na lang, baka sabihin niya pa ang suplado ko. Hindi naman ako katulad niya.
Pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap. Tahimik na lang kaming nagdasal at nakinign ng misa.
At nang matapos ito ay agad  akong nagpaalam sa kanya.
Paalis na sana ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. “Sam, sandali lang,” habol nito. Gulat akong napalingon sa kanya. Alam naman pala niya ang pangalan ko, pacclassmate-classmate pa siya kanina. Nakita ko siyang nagalalakad papalapit sa akin.
“Uuwi ka na ba?” tanong niya.
“Oo..” sagot ko sabay tango. “Bakit?”
“Huwag ka muna umuwi, kain muna tayo,” pag-aaya niya. Para akong nabingi sa aking narinig. “Ha?!”
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
“Samahan mo naman akong kumain ng bibingka at puto bungbong,” aya niya ulet.
Lokong ito, nagpapasama lang pala. Dahil hindi naman talaga kami close mas pinili ko na lang na tumanggi.
“Pasensiya na Nate, nagmamadali ako eh! Baka hinhanap na ako sa’min,”
“Sandali lang naman eh! Sige na, ililibre kita,” pilit nito.
“Naku, ‘wag na, nakakahiya naman sa’yo,”
“Hindi ok lang, tara na,” pilit ni Nate pero patuloy pa din ang pagtanggi ko.
“Sorry talaga Nate, pero nagmamadali talaga ako,” at tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanya.


     Nang sumunod na gabi ay nakita ko si Nate na nakatayo sa harap ng simbahan na tila may hinihintay. Seryoso na naman ang mukha niya. Malayong-malayo sa Nate na naka-usap ko nung nakaraang gabi. Pero nung nakita niya ako, nagbago bigla ang mukha niya, biglang gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha.
Siya ang unang bumati sa akin at sabay kaming pumasok sa loob ng simbahan. As usual, muli kaming tahimik na nagdasal. Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos ang misa ngunit maka-iling beses ko din siyang nakitang lihim na sumusulyap sa akin. Nang matapos ulet ang misa, nag-aya ulet si Nate na kumain kami pero tumanggi ulet ako. Ewan ko ba, kahit anong bait niya, nahihiya talaga ako sa kanya. Pero hindi ko naman nais na tanggihan ang pagkakaibigang  inaalok niya.
Sinubukan niya muli akong pilitin ngunit mariin ang aking pagtanggi. Ikinagulat ko na lang ang sumunod na sinabi niya sa’kin.
“Dahil ayaw mo naman magpalibre, pahingi na lang ako ng number mo,” nakangiti pa siya nang sinabi niya iyon.
“Ha?!”
“Ang sabi ko pahingi ng number mo, hindi naman masama di ba? Mag-classmate naman tayo,”
"Para saan?" tanong ko habang inaabot ko ang cellphone niyang binigay niya sa'kin. Nagpasa akong ibigay ang number ko dahil alam ko namang hindi ako iti-text ni Nate. Isang napakamalaking himala niyon kapag nagkataon.
"Wala lang..." sagot niya pagkatapos niyang mai-save ang number ko. "iti-text kita ha, see you tomorrow,"
At agad siyang lumakad palayo at iniwan ako.
 Matutulog na sana ako nang bigla may magtext sa akin. Number lang ang flash sa screen. Kinabahan ako. Kahit di ko na basahin ang message ay mukhang alam ko na kung sino ang nagtext. At ang sabi: "Sabay tayo ulet magsimba bukas, hintayin kita. Gudnyt and Sweet Dreams! Paki save ang number ko. - Nate"


To be continue....

       






No comments:

Post a Comment