Friday, December 11, 2015

NAALAA KITA...

Naalala kita... 

ay mali.. naaalala naman kita... 

Sa tuwing matatahimik na lang ako, mapapa-isip. Hindi pwedeng talagang hindi kita maiisip. 

Sa tagal-tagal na ng panahon...tatlo...dalawang taon... halos di ko maalala kung gaano katagal na nga ba. Pero kahit na ganon, ni minsan, di ka kainlan man lang nawala sa aking ala-ala. 

Pero pinilit ko, at  hanggang ngayon pinipilit ko pa din na kalimutan ka na... Paulet-ulet, sinasabi sa sarili ko na tapos na. 

Pero di ko magawa, di ko nga alam kung bakit ba. 

Mukha na akong baliw, patuloy na nagpapakatanga, samantalang ikaw, okay na... masaya pa...

Minsan, gusto ko na tanungin ka, paano mo ba yun nagawa? paano mo nalimot lahat ng masasaya nating ala-ala? Paano mo ba nakaya na ako'y ibalewala na? 

Ang sakit sakit pa din alam mo ba? Makita kang makitang  masaya sa piling ng iba. 

Naiisip ko pa lang na lagi kayong magkasama, ginagawa mga bagay na dati'y tayong dalawa..

Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit. 

Heto na nama't bumabalik lahat ng ating mga ala-ala, ultimo mga masasaya sa aki'y nagpapaluha na. 

Pagkat alam ko'y lahat ng yon ay unti-unti nang nililipas ng kahapon.

At kailama'y hindi na maibabalik pa. 





No comments:

Post a Comment