This is not gonna be like my other blogs where I posted poems and shorts stories. This is not one of my literary work. I know when I post this blog means I'm gonna break my rules when it comes to my blogs. No more literary works this time. Just pure thoughts and feelings.
A while ago, I tweeted in my twitter account "Why can't I get you off my mind. Di tuloy ako makapagconcentrate sa ginagawa ko T_T"
Kahit ngayong ginagawa ko ito siya pa din ang nasa isip ko. Hay...pag-ibig nga naman? Pag-ibig nga ba ito? Hindi ko talaga alam. Nababaliw aang yata ako.
Pag-ibig. 'yan din ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pagsisimula ng taon para sa'kin. May isang bagay akong ginawa na di ako sigurado kung tama nga ba o hindi.
When all has been said and done, natanong ko nga sa sarili ko kung ito nga ba ang gusto ko? Am I brave enough to let go, close the doors and be alone forever?
Hay...ang emo ko na naman. Pero totoo yan. Parang ayoko na....
Ayoko na magmahal. Hindi naman laging nasusuklian.Nung nasuklian naman. Alam kong madaming pwedeng komontra...
Ano ba naman to! Bakit ang malas ko?! Palagi na lang akong sawi...Hay...
Ayoko na talaga! Hindi na akong maniniwala sa love. hindi na ako magmamahal. Pipilitin kong kalimutan ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Susubukan kong mahalin siya bilang kaibigan na lamang.
Pero teka, bigla ko na namang naalala ang tweet ko kanina. Bakit ko pa din siya iniisip?
Kahit ngayon habang ginagawa ko ito ay siya ang nasa isip ko... (ay, umulet)
Naalala ko tuloy kanina, nung nakita ko siya.
Nang dumatng ang 2011. Pakiramdam ko naiwan ko lahat ng kasiyahan ko sa 2010.
Kaya nung nagsimula ang klase pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko. Pakiramdam ko malas ako ngayong 2011. Pakiramdam ko, natapos na ang takbo ng buhay ko nung matapos din ang 2010.
Pero kanina...parang biglang ngabago ang isip ko!
Nakita ko lang siyang nakangiti parang umayos bigla ang magulo kong mundo.
Narealize ko, okey na sa akin ang ganito. Kahit hindi man mangyari at alam kong kahit kailan hindi na mangyayari ang bagay na gusto ko. Atleast, masaya ako.
Kasi alam ko andyan siya...
Pero siyempre, hindi pa din mawawala sa akin na hangarin na sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na masabi ko sa kanya ang tunay kong nadarama....
The End of my blog...tama na at baka kung ano pa ang masabi ko! :p